2013 Palarong Maynila Chess Meet : NAku!! TaKot ako !!
Takot ang umiral sa mga manlalaro at tournament officials ng biglaang pumasok sa tournament venue ang tatlong tigasing private chess coach at nais ipatigil ang laro dahil daw wala ang coach ng mga nangungunang manlalaro ng Colegio de San Juan de Letran. Unang pumasok ang senior coach ng University of the East na si Henry Mariano kasunod ang coach ng National University na si Jojo Aquino coach kasabay ang coach nag Adamson University na si Christopher Rodriguez. Dapat daw ipairal ang No coach no play ayon pa sa tatlo.Nagbigay pa ng defaulting time na 30 minutes si coach Jojo Aquino para dumating ang coach ng Colegio de San Juan de Letran na si Roland Perez. Ang No coach No play ay pinaiiral sa lahat ng mga gurong pambubliko sa Manila -Division of City School para mapangalagaan ang mga manlalaro ng mga pampublikong paaralan .Kinompronta naman ng Adamson University coach Christopher Rodriguez na ipahinto na ang laro . Dahil sa ingay na ginawa at upang mapanatili ang katahimikan ay sinabihan na lang sila ng Chief Arbiter na hindi dito ang tamang lugar para pag usapan , gumawa sila ng protest letter at ibigay sa dapat pagbigyan at hindi maaaring ihinto ang laro .venue. NAKATITIG SA KANILA ANG MGA MAISTORBONG MANLALARO AT HINIHINTAY KUNG AALIS BA SILA O HINDI. BUTI NAMAN AT UMALIS DIN KAYAT NATULOY ANG LARO. Ngayon lang nangyari sa halos talumpung taon ng paligsahan na may ganitong kaso na no coach no play na nireklamo ang chess coach sa pribadong paaralan ang kapwa nila coach.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento