Manila Division of City School 2013-2014 Division Meet simula na sa Setyembre 16, 2013
Manila Division of City School 2013-2014 Division Meet simula na sa Setyembre 16, 2013
Sasalang na ang 96 na kampeon ng Pampublikong paaralan sa Elementay at High School Division ng anim na Distrito ng Maynila. Ang top two sa High School Boys; High School Girls ; Elementary Boys at Elementary Girls ang kakatawan sa Manila Division of City School para sa Palarong Maynila kung saan makakaharap nila ang mga pambato ng mga private school mula sa NCAA, UAAP, Chinese School League at iba pang mga imbitadong private school.
Ang bawat Distrito ay binubuo ng 16 na manlalaro , tig-apat (4 )sa High School Boys and Girls at tig-apat (4) din sa Elementary Boys and Girls.Kung saan gagamitin ang Single-Round Robin system para malaman ang Team Champion at mga Individual Board Champion. Ang P. Gomez Elementary School ang pagdarausan ng tournament.
Kabilang sa paborito si defending champion John Edaguio ng Nolasco High School. Eliseo Budoso ng J.P.Laurel High School at Anatoly Pascua ng F. G. Calderon High School. Sa kababaihan ,si Mytzka Mendoza ng Manila Science High School; Ma.Villamor Nebato ng Cayetano Arellano High School at Zairah Bingabing ng F.G.Calderon High School ang mga inaasahang pupuwesto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento